Wednesday, December 5, 2007

i05 etc.

bigla ko lang naalala... namimiss ko na ang i05... miss ko na BT... miss ko na lover's lane, virgin forest... miss ko na sina pasco, boc, at iba pa... miss ko na makipaginuman... miss ko na GMB/Generous + marlboro lights + round table... miss ko na etivac peeps, phax, mc, zek, ian, VU, atbp... *_*

Tuesday, December 4, 2007

one more chance

oo... oo... at isa pang oo... napanood namin ang pelikulang ito... at gaya ng inaasahan, naiyak yung kasama ko... ako? hindi! pinipigilan ko e...

baduy na kung baduy pero maiintindihan ako ng mga taong naranasan na ang naranasan namin... pati na ng mga taong nakakaalam sa mga pinagdaanan namin kamakailan lang... matindi pagkakagawa sa pelikulang eto... nice lines, pero mas maa-appreciate mo at mas mararamdaman mo ang film kung naranasan mo na...

pero all in all, kahit na tipikal na pelikulang pinoy love story... ibang klaseng emosyon ang iiwanan ng pelikula sa mga makakapanood nito... mga tatatak na mga linya... madalas mong sasabihin sa sarili mo habang nanonood... "parang pamilyar yung linya na un a" ^^

chestnuts roasting on an open fire...

malapit nang mag pasko, ang lamig na pag-umaga, nakakatamad bumangon... kahit saan ka lumingon puro christmas decor, christmas songs, christmas kung ano-ano pa...

nung nakaraang weekend nagpunta kami ni eidel sa greenhills, para bumili ng regalo, ang kulet... ang daming nagrereklamo na naghihirap, pero punong-puno pa rin sa mga lugar na gaya ng greenhills... pinoy nga naman, ehehe... daming kung ano-ano na binibenta, ang kukulit ng nagbebenta...

MANANG: sir, miss, ano hanap nila??
EIDEL: magkano d2 sa bag??
MANANG: 750...
EIDEL: ah ok... (akmang naglalakad palayo)
MANANG: (sumunod) magkano ba ang krrrrrrismas presyu gusto mo? baba natin... 700...
EIDEL: ndi na po ate, salamat na lang po...
MANANG: 650... 500?? (sabay hila sa kamay ni eidel)
BATO: wag na manang... iikot pa kame e, salamat...
MANANG: wag ka nang umikot kuya... mahihilo ka...

medyo nakapanood din kami nung presentation sa greenhills... ung mechanical christmas play sa labas ng greenhills... kung naalala nyo ung sa COD dati nung mga bata pa tayo (well, nung mga bata kami atleast) eh magfa-flashback lahat sa iyo kapag napanood nyo yung sa greenhills...

yey malapit na rin christmas party sa opisina... cool... at 2nd outing ng GYC... cool...

Friday, October 19, 2007

SQL & GP 10.0 vs Trados 2K7

balik salin!! ^^ sa halos kabuuan ng paglalagi ko dito sa opisina namin, ay nasa-ilalim ako ng proyekto ng pagsasalin ng mga komponent ng windows™vista sa filipino, pero nung mga nakaraang araw ay pinasubok akong gumawa ng ibang tungkulin, marahil dahil nakikita nila na wala akong ginagawa at puro internet lang ang inaatupag ko... ^^

dahil wala pang trabaho para sa translation, ay binalak ni jr-liit na bigyan ako ng trabahong pang 'test'... para sa'kin ok un! kasi bagoong kaalaman, bagong libangan, pero bakit sa dinami-dami ng mga pc dito sa opisina eh ako pa ang minalas na nakakuha ng pc na ito!! bukod sa napakabagal na eh hindi ma ma-instalahan ng SQL ng maayos... nakakainis, kung kelan nasa-'groove' na akong sumubok ng bago eh ayaw naman makisama ng pc ko.... hay...

pero ok na rin, kasi bago ako binigyan ng mga tunay na 'task' eh nagpaturo na ko kay peter (intern dito na hawig daw kay jumong) na gumawa ng test scripts... waw, test scripts, parang ang talino...^^ at medyo nasimulan ko na rin gumamit nung macro ba yun... parang recorder ng mga programa sa pc... 'un nga lang hanggang 'starting data' lang... hehe...

ngayon balik translation ulit... bakit?? eh naiinis na si jr-liit sa SQL ng pc ko eh, hehe...

Thursday, October 18, 2007

seven

ayan, dahil wala akong magawa tinignan ko kung gaano ako kasama... ^^ subukan mo, baka may matutunan ka tungkol sa sarili mo...

Greed:Medium
Gluttony:Medium
Wrath:High
Sloth:Medium
Envy:Medium
Lust:Medium
Pride:High


The Seven Deadly Sins Quiz on 4degreez.com

Wednesday, October 17, 2007

now accepting lot reservations

minsan ba ay naiisip mo na 'san kaya ako mapupunta 'pag namatay ako...' pwes! 'wag nang mangamba sagutan lang ang pagsusulit na ito at baka malaman mo!! tapos, tignan mo 'yung death clock mo para alam mo kung kelan ka magpapa-reserve^^
'eto nga pala yung sa akin... -_-

The Dante's Inferno Test has banished you to the Second Level of Hell!
Here is how you matched up against all the levels:
LevelScore
Purgatory (Repenting Believers)Very Low
Level 1 - Limbo (Virtuous Non-Believers)Very Low
Level 2 (Lustful)Very High
Level 3 (Gluttonous)Very High
Level 4 (Prodigal and Avaricious)Very High
Level 5 (Wrathful and Gloomy)High
Level 6 - The City of Dis (Heretics)Very High
Level 7 (Violent)High
Level 8- the Malebolge (Fraudulent, Malicious, Panderers)Very High
Level 9 - Cocytus (Treacherous)Moderate

Take the Dante's Inferno Hell Test

Tuesday, October 2, 2007

fil-ph

dahil ako ay pilipino at mahigit tatlong buwan na akong nagsasalin sa wikang filipino, simula sa araw na ito ay dapat filipino ang pangunahing wika na gagamitin ko sa paglalathala ng mga paskil dito sa aking blog...

bakit? ewan, gusto ko lang... pero dapat may konting ingles pa rin, para tunog matalino... sa pamagat na lang siguro...

dapat lahat ng mga pinoy bloggers filipino na rin ang mga paskil... bakit? ewan, gusto ko lang... ayos na rin to para practice, ay pagsasanay pla...

christina paner

and we're back... after a long absence, nakabalik na rin ako sa pagpopost sa blog... baket? kasi nag ang dami nang post ng pinsan ko at nainggit ako... dahil bumabalik sa pagpopost ang mga iba kong kakilala (p@yat™, etc...); at dahil may nag shout; si tina paner, este* miss jam pala... (joke lng, pis tau)

a lot has happened since my last post here; nakapag-outing na kami ng mga fellow interns ko + other employees - sa villa quadra sa pansol kami nagpunta (oo quadra nga, pero walang kabayo), masaya 'yung outing, hindi perfect pero masaya... may jacuzzi, bilyar, aircon na mga kwarto, masasayang kasama, inuman, kwentuhan, ka-'tipsy'han, asaran, lambingan, atbp... at ang pinaka maganda doon ay, siguradong mauulit s'ya.

natapos ko na ang intern1, pero g'nago naman ako ng school ko... nakakainis alalahanin...

nakaranas na rin akong maka-atend sa isang event, na kung tawagin ay webinar... oo webinar kung papakinggan mo e parang seminar kapag ngo-ngo ang nagsabi... masaya rin, kasi madami natututunan, kahit na kadalasan ay una ung boses kesa sa display sa monitor... pero aliw, live seminar sa web, o 'di ba? astig ang dating...

nakasali din ako sa gift giving dito sa office, aliw, parang elementary lang... monito - monita... sana lang may makabunot sakin na supervisor ko sa translation project at mabigyan ako ng cool gift... pero cool ung mga natanggap ko... Something Yellow - Marbloro Lights; Best describes - smiley na naka-thumbs up; Least describes - kahoy na cooking utensils (na hanggang ngayon ay 'di ko maisip kung bakit)... sa friday, something fragrant ata... sana fragrant nga matanggap ko... hehe...

ayon, yun na lang muna, chaka na ulit pag tinopak ulit ako at ginanahan gumamit ng tiklado...

Sunday, August 19, 2007

a bum's life

grabe, noong mga nakaraang araw ang hirap bumangon sa kama... sobrang sarap ng humiga sa kama, bumaluktot sa kumot, at ibaon ang mukha sa unan... ok sana kung laging ganito ang weather, 'yun bang ang pinaka bagyo na e iyong ambon... malakas na hangin, kulimlim na ulap...

hindi ko na-enjoy 'yung mga suspensions noong nakaraan dahil hindi na kmi kasama dun e... hehe... kaya sa tuwing gumugising ako sa umaga e lagi akong naka slow-mo... ang hirap din ng byahe pauwi kaya 'pag dating ko, parang ginulpi ako... aun knock out agad...

mabuti na lang at naimbento ang weekends, nakabawi-bawi din ako kahit papano... tpos long weekend pa, wow naman!! hehe... sana lang hindi brownout... ^^

Tuesday, August 14, 2007

lawiswis

picture namin nung company outing sa lawiswis kawayan (july 28 2007), themed "building stronger bonds"

sarap nang outing na 'yan enjoy lahat... games, food, booze, laugh trips, gambling, and a whole lot more...

back: sir richard, sir je, miss sherryl, sir sieg, sir earl, miss grace, sir paul, miss anne, miss jamie, sir rey, miss krishna, sir ric, sir jo, jay-r, me-an, sir ryan, pete, nina, sir em, larica, ren, miss eya, sir joseph, miss marga, teodoro, migelito, miss kat, sir michael, miss jam, ako, sir willy, tim
kneeling: sir tarcs, ma'am daph, miss len, ma'am lanie, miss meri, miss cherie, sir manny

heavy hands

have you ever experienced a day where time seems to move extra slow? where 30 minutes seems like an eternity... where the clock's hand just won't move... i hate those kind of days, because those days happen when you least want them to... when you're stuck in a boring seminar, when you're at work and you've got nothing to and your off time is 9pm, that really sucks...

Sunday, August 12, 2007

rush hour 3

we just saw the latest installment in the rush hour series... and i got to say, it was hilarious... chris tucker was great, and his tandem with jackie chan is, in my opinion, one of the best cop tandem since mel gibson and danny glover in lethal weapon.

rush hour 3 was set in paris... as usual, a lot of crazy stunts, the things you would expect from any jackie chan film... and chris tucker was just drop dead funny... living to his title as the fastest mouth in the west... one of my favorite scenes was lee and carter's "the closer i get to you" scene, and the scene where lee and carter tortures the triad member:

carter: what'd he say?!

lee: i think he's speaking french...

carter: *slaps triad member* you're asian! stop humiliating yourself!!

not too many bloopers at the end though, but, all in all a great movie quite a god way to spend your 160 bucks after a stressful week...

bt moment

last saturday i experienced something that i haven't experienced in a long time... ang mag-bt...
"bt" is term coined by the i05 students batch 2004 of eac, "bt" stands for "boy tambay"... we define "bt" as sitting at the eac lover's lane or annex bench, sharing stories, picking on each other, watching people pass by, basically doing nothing...

it's been quite some time since my friends and i had a "bt" moment, ever since dota became a craze our "bt" moments just dwindled... the fact that most of us now are interns and some transfered didn't help either... that's why we treasure every "bt" moment...

that day was also great since jep and doc were there with us, even though they are no longer at eac, they are still solid i05s... too bad boc, ang pambansang bespren, was not... it's also cool that the weather cooperated, not too hot, not raining, strong winds, ahhh... just the way we like it...

some people might think that what we do, or the lack of it for that matter, is just a waste of time... well, maybe it is... but to us, it's not about what you do, it's about the people you do it with...

Wednesday, August 8, 2007

the oratio imperata effect

nitong nakaraang mga araw ang daming nagrereklamo tungkol sa tag-tuyot, sa pag baba ng water sa dams... dahil sa walang dumadating na ulan... pati cbcp naki sali, may pinauso pa silang prayer for rain...

ayan! you asked for it!! for the past days, ang tindi ng ulan... sana naman matuwa na ung mga nagrereklamo ano... sana rin 'wag bagyo... yung tamang ulan lang... 'wag yung tipong billboard wrecking, mud sliding, raging flood type of rain...

pero ang totoo talaga, i hate the rain... noong bata siguro ako ok s'ya kasi pag malakas ang ulan, ibig sabihin, walang pasok at makakaligo ako sa ulan at baha... pero ngyon, bwisit na s'ya... hindi ka makapasyal dahil nakakaasiwang mabasa... kung magfi-feeling bata naman at maisipang malaro sa baha, leptospirosis ang aabutin... idagdag mo pa ang 'di inaasahang pagkadulas, tapilok, o pag kasira ng payong...

on the other hand, kung nasa bahay ka lang o kasama mo ang girlfriend, jowa, misis, crush, o pinagnanasaan mo, patok na patok sa iyo ang rainy days... romantic ang trip, at lumalabas ang kabaduyan ng iba... hehe... just the thought of being stranded in some place with someone you like, love, desire, fantasize is enough for you say, "god i love the rain"

anyway, kanya kanyang trip lang naman 'yan... hehe...

Sunday, August 5, 2007

monday sickness

monday nanaman... balik sa internship site... balik project n ulit. ewan ko ba kung bakit kapag monday palaaaaaagi akong tinatamad... nakakainis, gusto mong maging productive pero merong "unseen force" na pumipigil sa bawat kilos ko... kelan ba maaalis ang sumpang ito sa amin... buti na lang tuesday na bukas...

Friday, August 3, 2007

ouija

"andyan na siyaaahhh....."
my girlfirend and i just watched the latest pinoy horror flick to hit the cinemas, ouija...
ayus na film din, when i saw the movie trailer before, naisip ko, naku baka pinaghalu-halong asian horror lang yan, at totoo nga!! pero surprisingly, kahit na mejo pirated yung ibang scenes, overall ok pala siya, daming nakakatakot at nakakakilabot moments... sa gateway kami nanood ng girlfriend ko kaya sabi ko sa sarili ko, dapat matakot ako para 'di sayang ang bayad ko... hehe... buti na lang ouija delivered...

the story of ouija revolves around 4 cousins and the events that surround them after releasing the spirit from the ouija board... daming sacry and freaky scenes... ok din ung twist sa story, medyo old-school pero patok pa rin... at ang pagkuha kay Anita Linda bilang Lola adds extra freakyness to the film... astig din ung underwater cemetery na finiture sa ouija, pucha kakatakot siguro sumisid dun ouro puntod sa ilalim ng dagat... scary din yung bahay ng lola nila, ayoko ng ganung bahay, siraulo lang ang magtatagal sa ganung setup na bahay... hehe...

wala kong maisip sa acting nung mga artista e, scary kasi yung spirit kaya 'di na masyado pansin yung acting... sabi ng girlfriend ko pangit daw acting ni rhian ramos, buti na lang maganda siya... hehe... astigin din yung film, cinema-worthy, a lot better than its predecessors IMO...

Saturday, July 28, 2007

nothin' like 'ur first...

this is my very first post in anything online... yey! weeppidoo!! sa wakas nag-blog na rin...^^ first year college ako sa east asia nung mauso sa paningin ko ang blog, lahat ng aking mga NFF (new found frens) ay meron nito; or at least those capable of maintaining one. starting from way back then plano ko na talagang mag-blog; pero gaya ng karamihan ng gusto ko sa buhay ay nanatili itong plano, up until now. hahaha!

BATO: aus yan tol a, pano b yang blog??
PAYAT: madali lng to, ako nga walang nagturo e, kinapako lang gets ko na agad
BATO: ow, aus a, gawa nga din ako...

PHAX: chudoy, visit mo to, may blog na ko e
BATO: o, aus a, kakainggit... gawa na rin ako...

JAM : may blog ka?
BATO: sana, plano ko nga e...
JAM : gawa ka, tpos babasahin ko. hahaha!!(nakakainsultong tawa), yung kay * lagi naming binabasa e. haha!!(nakakainsultong tawa muli)

yan ang mga kadalasang conversations ko regarding sa blog. naka-ilang palit na rin ako ng pangalan ng blog, username, at kung ano ano pa... pero ni isa walang natuloy... pero hindi na ngayon!! hehe... kaya mula ngayon ay magpo-post na ko palagi! at patuloy kong pagagandahin ang aking blog!! (sana!!) bakit naman kasi kung kelan marami akong naiisip isulat ay sya din namang panahon na inaatake ako ng katamaran... aus na to, sabi nga nila diba: walang matatapos kung walang sisimulan... orayt!!