Friday, October 19, 2007

SQL & GP 10.0 vs Trados 2K7

balik salin!! ^^ sa halos kabuuan ng paglalagi ko dito sa opisina namin, ay nasa-ilalim ako ng proyekto ng pagsasalin ng mga komponent ng windows™vista sa filipino, pero nung mga nakaraang araw ay pinasubok akong gumawa ng ibang tungkulin, marahil dahil nakikita nila na wala akong ginagawa at puro internet lang ang inaatupag ko... ^^

dahil wala pang trabaho para sa translation, ay binalak ni jr-liit na bigyan ako ng trabahong pang 'test'... para sa'kin ok un! kasi bagoong kaalaman, bagong libangan, pero bakit sa dinami-dami ng mga pc dito sa opisina eh ako pa ang minalas na nakakuha ng pc na ito!! bukod sa napakabagal na eh hindi ma ma-instalahan ng SQL ng maayos... nakakainis, kung kelan nasa-'groove' na akong sumubok ng bago eh ayaw naman makisama ng pc ko.... hay...

pero ok na rin, kasi bago ako binigyan ng mga tunay na 'task' eh nagpaturo na ko kay peter (intern dito na hawig daw kay jumong) na gumawa ng test scripts... waw, test scripts, parang ang talino...^^ at medyo nasimulan ko na rin gumamit nung macro ba yun... parang recorder ng mga programa sa pc... 'un nga lang hanggang 'starting data' lang... hehe...

ngayon balik translation ulit... bakit?? eh naiinis na si jr-liit sa SQL ng pc ko eh, hehe...

No comments: