Tuesday, December 4, 2007

chestnuts roasting on an open fire...

malapit nang mag pasko, ang lamig na pag-umaga, nakakatamad bumangon... kahit saan ka lumingon puro christmas decor, christmas songs, christmas kung ano-ano pa...

nung nakaraang weekend nagpunta kami ni eidel sa greenhills, para bumili ng regalo, ang kulet... ang daming nagrereklamo na naghihirap, pero punong-puno pa rin sa mga lugar na gaya ng greenhills... pinoy nga naman, ehehe... daming kung ano-ano na binibenta, ang kukulit ng nagbebenta...

MANANG: sir, miss, ano hanap nila??
EIDEL: magkano d2 sa bag??
MANANG: 750...
EIDEL: ah ok... (akmang naglalakad palayo)
MANANG: (sumunod) magkano ba ang krrrrrrismas presyu gusto mo? baba natin... 700...
EIDEL: ndi na po ate, salamat na lang po...
MANANG: 650... 500?? (sabay hila sa kamay ni eidel)
BATO: wag na manang... iikot pa kame e, salamat...
MANANG: wag ka nang umikot kuya... mahihilo ka...

medyo nakapanood din kami nung presentation sa greenhills... ung mechanical christmas play sa labas ng greenhills... kung naalala nyo ung sa COD dati nung mga bata pa tayo (well, nung mga bata kami atleast) eh magfa-flashback lahat sa iyo kapag napanood nyo yung sa greenhills...

yey malapit na rin christmas party sa opisina... cool... at 2nd outing ng GYC... cool...

No comments: