Sunday, August 19, 2007

a bum's life

grabe, noong mga nakaraang araw ang hirap bumangon sa kama... sobrang sarap ng humiga sa kama, bumaluktot sa kumot, at ibaon ang mukha sa unan... ok sana kung laging ganito ang weather, 'yun bang ang pinaka bagyo na e iyong ambon... malakas na hangin, kulimlim na ulap...

hindi ko na-enjoy 'yung mga suspensions noong nakaraan dahil hindi na kmi kasama dun e... hehe... kaya sa tuwing gumugising ako sa umaga e lagi akong naka slow-mo... ang hirap din ng byahe pauwi kaya 'pag dating ko, parang ginulpi ako... aun knock out agad...

mabuti na lang at naimbento ang weekends, nakabawi-bawi din ako kahit papano... tpos long weekend pa, wow naman!! hehe... sana lang hindi brownout... ^^

No comments: