Friday, October 19, 2007

SQL & GP 10.0 vs Trados 2K7

balik salin!! ^^ sa halos kabuuan ng paglalagi ko dito sa opisina namin, ay nasa-ilalim ako ng proyekto ng pagsasalin ng mga komponent ng windows™vista sa filipino, pero nung mga nakaraang araw ay pinasubok akong gumawa ng ibang tungkulin, marahil dahil nakikita nila na wala akong ginagawa at puro internet lang ang inaatupag ko... ^^

dahil wala pang trabaho para sa translation, ay binalak ni jr-liit na bigyan ako ng trabahong pang 'test'... para sa'kin ok un! kasi bagoong kaalaman, bagong libangan, pero bakit sa dinami-dami ng mga pc dito sa opisina eh ako pa ang minalas na nakakuha ng pc na ito!! bukod sa napakabagal na eh hindi ma ma-instalahan ng SQL ng maayos... nakakainis, kung kelan nasa-'groove' na akong sumubok ng bago eh ayaw naman makisama ng pc ko.... hay...

pero ok na rin, kasi bago ako binigyan ng mga tunay na 'task' eh nagpaturo na ko kay peter (intern dito na hawig daw kay jumong) na gumawa ng test scripts... waw, test scripts, parang ang talino...^^ at medyo nasimulan ko na rin gumamit nung macro ba yun... parang recorder ng mga programa sa pc... 'un nga lang hanggang 'starting data' lang... hehe...

ngayon balik translation ulit... bakit?? eh naiinis na si jr-liit sa SQL ng pc ko eh, hehe...

Thursday, October 18, 2007

seven

ayan, dahil wala akong magawa tinignan ko kung gaano ako kasama... ^^ subukan mo, baka may matutunan ka tungkol sa sarili mo...

Greed:Medium
Gluttony:Medium
Wrath:High
Sloth:Medium
Envy:Medium
Lust:Medium
Pride:High


The Seven Deadly Sins Quiz on 4degreez.com

Wednesday, October 17, 2007

now accepting lot reservations

minsan ba ay naiisip mo na 'san kaya ako mapupunta 'pag namatay ako...' pwes! 'wag nang mangamba sagutan lang ang pagsusulit na ito at baka malaman mo!! tapos, tignan mo 'yung death clock mo para alam mo kung kelan ka magpapa-reserve^^
'eto nga pala yung sa akin... -_-

The Dante's Inferno Test has banished you to the Second Level of Hell!
Here is how you matched up against all the levels:
LevelScore
Purgatory (Repenting Believers)Very Low
Level 1 - Limbo (Virtuous Non-Believers)Very Low
Level 2 (Lustful)Very High
Level 3 (Gluttonous)Very High
Level 4 (Prodigal and Avaricious)Very High
Level 5 (Wrathful and Gloomy)High
Level 6 - The City of Dis (Heretics)Very High
Level 7 (Violent)High
Level 8- the Malebolge (Fraudulent, Malicious, Panderers)Very High
Level 9 - Cocytus (Treacherous)Moderate

Take the Dante's Inferno Hell Test

Tuesday, October 2, 2007

fil-ph

dahil ako ay pilipino at mahigit tatlong buwan na akong nagsasalin sa wikang filipino, simula sa araw na ito ay dapat filipino ang pangunahing wika na gagamitin ko sa paglalathala ng mga paskil dito sa aking blog...

bakit? ewan, gusto ko lang... pero dapat may konting ingles pa rin, para tunog matalino... sa pamagat na lang siguro...

dapat lahat ng mga pinoy bloggers filipino na rin ang mga paskil... bakit? ewan, gusto ko lang... ayos na rin to para practice, ay pagsasanay pla...

christina paner

and we're back... after a long absence, nakabalik na rin ako sa pagpopost sa blog... baket? kasi nag ang dami nang post ng pinsan ko at nainggit ako... dahil bumabalik sa pagpopost ang mga iba kong kakilala (p@yat™, etc...); at dahil may nag shout; si tina paner, este* miss jam pala... (joke lng, pis tau)

a lot has happened since my last post here; nakapag-outing na kami ng mga fellow interns ko + other employees - sa villa quadra sa pansol kami nagpunta (oo quadra nga, pero walang kabayo), masaya 'yung outing, hindi perfect pero masaya... may jacuzzi, bilyar, aircon na mga kwarto, masasayang kasama, inuman, kwentuhan, ka-'tipsy'han, asaran, lambingan, atbp... at ang pinaka maganda doon ay, siguradong mauulit s'ya.

natapos ko na ang intern1, pero g'nago naman ako ng school ko... nakakainis alalahanin...

nakaranas na rin akong maka-atend sa isang event, na kung tawagin ay webinar... oo webinar kung papakinggan mo e parang seminar kapag ngo-ngo ang nagsabi... masaya rin, kasi madami natututunan, kahit na kadalasan ay una ung boses kesa sa display sa monitor... pero aliw, live seminar sa web, o 'di ba? astig ang dating...

nakasali din ako sa gift giving dito sa office, aliw, parang elementary lang... monito - monita... sana lang may makabunot sakin na supervisor ko sa translation project at mabigyan ako ng cool gift... pero cool ung mga natanggap ko... Something Yellow - Marbloro Lights; Best describes - smiley na naka-thumbs up; Least describes - kahoy na cooking utensils (na hanggang ngayon ay 'di ko maisip kung bakit)... sa friday, something fragrant ata... sana fragrant nga matanggap ko... hehe...

ayon, yun na lang muna, chaka na ulit pag tinopak ulit ako at ginanahan gumamit ng tiklado...