Wednesday, August 8, 2007

the oratio imperata effect

nitong nakaraang mga araw ang daming nagrereklamo tungkol sa tag-tuyot, sa pag baba ng water sa dams... dahil sa walang dumadating na ulan... pati cbcp naki sali, may pinauso pa silang prayer for rain...

ayan! you asked for it!! for the past days, ang tindi ng ulan... sana naman matuwa na ung mga nagrereklamo ano... sana rin 'wag bagyo... yung tamang ulan lang... 'wag yung tipong billboard wrecking, mud sliding, raging flood type of rain...

pero ang totoo talaga, i hate the rain... noong bata siguro ako ok s'ya kasi pag malakas ang ulan, ibig sabihin, walang pasok at makakaligo ako sa ulan at baha... pero ngyon, bwisit na s'ya... hindi ka makapasyal dahil nakakaasiwang mabasa... kung magfi-feeling bata naman at maisipang malaro sa baha, leptospirosis ang aabutin... idagdag mo pa ang 'di inaasahang pagkadulas, tapilok, o pag kasira ng payong...

on the other hand, kung nasa bahay ka lang o kasama mo ang girlfriend, jowa, misis, crush, o pinagnanasaan mo, patok na patok sa iyo ang rainy days... romantic ang trip, at lumalabas ang kabaduyan ng iba... hehe... just the thought of being stranded in some place with someone you like, love, desire, fantasize is enough for you say, "god i love the rain"

anyway, kanya kanyang trip lang naman 'yan... hehe...

No comments: