Wednesday, December 5, 2007

i05 etc.

bigla ko lang naalala... namimiss ko na ang i05... miss ko na BT... miss ko na lover's lane, virgin forest... miss ko na sina pasco, boc, at iba pa... miss ko na makipaginuman... miss ko na GMB/Generous + marlboro lights + round table... miss ko na etivac peeps, phax, mc, zek, ian, VU, atbp... *_*

Tuesday, December 4, 2007

one more chance

oo... oo... at isa pang oo... napanood namin ang pelikulang ito... at gaya ng inaasahan, naiyak yung kasama ko... ako? hindi! pinipigilan ko e...

baduy na kung baduy pero maiintindihan ako ng mga taong naranasan na ang naranasan namin... pati na ng mga taong nakakaalam sa mga pinagdaanan namin kamakailan lang... matindi pagkakagawa sa pelikulang eto... nice lines, pero mas maa-appreciate mo at mas mararamdaman mo ang film kung naranasan mo na...

pero all in all, kahit na tipikal na pelikulang pinoy love story... ibang klaseng emosyon ang iiwanan ng pelikula sa mga makakapanood nito... mga tatatak na mga linya... madalas mong sasabihin sa sarili mo habang nanonood... "parang pamilyar yung linya na un a" ^^

chestnuts roasting on an open fire...

malapit nang mag pasko, ang lamig na pag-umaga, nakakatamad bumangon... kahit saan ka lumingon puro christmas decor, christmas songs, christmas kung ano-ano pa...

nung nakaraang weekend nagpunta kami ni eidel sa greenhills, para bumili ng regalo, ang kulet... ang daming nagrereklamo na naghihirap, pero punong-puno pa rin sa mga lugar na gaya ng greenhills... pinoy nga naman, ehehe... daming kung ano-ano na binibenta, ang kukulit ng nagbebenta...

MANANG: sir, miss, ano hanap nila??
EIDEL: magkano d2 sa bag??
MANANG: 750...
EIDEL: ah ok... (akmang naglalakad palayo)
MANANG: (sumunod) magkano ba ang krrrrrrismas presyu gusto mo? baba natin... 700...
EIDEL: ndi na po ate, salamat na lang po...
MANANG: 650... 500?? (sabay hila sa kamay ni eidel)
BATO: wag na manang... iikot pa kame e, salamat...
MANANG: wag ka nang umikot kuya... mahihilo ka...

medyo nakapanood din kami nung presentation sa greenhills... ung mechanical christmas play sa labas ng greenhills... kung naalala nyo ung sa COD dati nung mga bata pa tayo (well, nung mga bata kami atleast) eh magfa-flashback lahat sa iyo kapag napanood nyo yung sa greenhills...

yey malapit na rin christmas party sa opisina... cool... at 2nd outing ng GYC... cool...