Tuesday, May 6, 2008

break the silence - part 1

it's been a while since my last post... sobrang dami nang nangyari di ko na namamalayan... 1st off, after a long and hard journey my shooling is about to reach its end. pagkatapos ng daandaang taon ay matatapos na rin ako sa pag-aaral. 'di ko alam kung bakit parang feeling ko hindi ako masyado fulfilled... is it my course? or how i cruised through my course?

kung ako ang tatanungin, ang pangarap ko talaga sa buhay ay maging architect, gusto kong gumuhit, magdisenyo, gusto ko ng mga linya... dahil sa pagiging irresponsable at pagiging gago, ay hindi ko natupad, at malamang hindi na matutupad ang pangarap kong iyon... ganun talaga, pero badtrip...masaya naman ako dahil matatapos na, pero alam mo yung feeling na 'un ayos, tapos na...' for the sake of 'para matapos lang'

siguro dahilan na rin na i chose this course for the wrong reasons e... ang pagiisip ko dati... hmmm, kuha n lng ako ng computer course, para pag graduate call center, big bucks w/ carefree lifestyle... kasi sa totoo lang, hindi naman ako magaling sa mga pogramming na 'yan e, mataas lng siguro talaga ang IQ ko chaka matalino (hahaha, pagbigyan na, kwento lng nmn e), kung hindi sa mga natutunan ko sa internship siguro pangarap ko pa rin sa call center ngayon...

pero ayon sa mga matatanda, all things happen for a reason... marami din magandang naidulot ang paggagago ko, mga bagong kaibigan at kakilala... iyan ang isa sa mga pinagpapasalamat ko, mayaman ako sa kaibigan... mga maasahan talaga. isa pang pinagpapasalamat ko ay ang bagong trabaho!!! yes you heard me right, trabaho!

No comments: