Wednesday, February 27, 2008

tired, so tired

minsan ang hirap matulog... kahit na pagod na pagod ka na sa araw mo, ang hirap 'pag ganito... kapag alam mong may kulang...

mahirap 'pag maraming iniisip, 'ung mga tipong kahit ilang beses mong paikut-ikutin sa isip ko e hindi ko pa rin maintindihan... masyadong maraming 'bakit'... malabo...

alam mo ba kung anong makakayanig sa isang pagsasama? isang pagkakamali... isang pagkakamaling AYAW malimutan... bakit ayaw? isa lng yan sa mararami pang mga 'bakit'...

paano mo ba malalaman kung dapat ka nang patawarin? paano kung lahat na ginawa mo, paano kung wala ka nang maisip na paraan para mabago ang lahat? dapat bang tiisin mo na lang lahat hanggang sa dumating ang inaantay na pagbabago? hanggang kailan? may deadline ba dapat?

simula noong dating dati dati pa, paninindigan ko na ang tiwala ang pundasyon ng kahit na anong pagsasama... e kung walang tiwala, parang niloloko mo na lang ang sarili mo... sasabihin mo na mahal mo ang isang tao pero wala kang tiwala sa kanya, parang may mali 'di ba?...

pwede bang gamiting rason palagi ay 'e ganito ako e'... nakaka-frustrate... yun bang ang dami mo nang ginawang paraan, ang dami nang binago, ang dami nang naapektohan, pero kulang pa rin... imposibleng maibalik ang panahon, pero mas mahirap ang balik-balikan ang masamang nakaraan...

simple lang naman sana... ang problema lang e, ayaw... kung ayaw, 'wag pilitin... mahirap 'yung sasabihin na, 'pinipilit ko naman', pero hindi naman pala kaya... masyado nang matagal, kung patatagalin pang ganito ang sitwasyon baka maslalong lumala... kahit na gusto mong maayos ang lahat, kung isa lang naman ang may kaya, wala ring mangyayari... hindi dahilan ang masakit na sinapit, dahil lahat ng tao nasasaktan, ang mahalaga ay kung ano ang gagawin mo pagkatapos mong masaktan...

lahat ng tao gustong sumaya... ikaw, ako, sila... lahat pwedeng gawin kung gugustuhin... gaya nang matulog... gusto ko nang matulog, sana paggising bago na...

isang madrama, pero tunay na pahayag:
"kung tiwala nga wala, eh ano pang mayroon tayo?"

2 comments:

Anonymous said...

easy lang... :)

Anonymous said...

Well said bro...