Wednesday, January 9, 2008

the year that was '07

maraming nangyari noong nakaraang taon sa buhay ko, kung ano ano na lang... minsan parang trip lang ni God na pagtripan talaga ko e...

pero di naman lahat masama, marami ring maganda... isa sa mga pinaka masaya ay yung mga bagong kaibigan... mga taong nagbibigay ng dagdag saya sa buhay ko...^^ mga dating kaibigan na kaibigan pa rin... sa aking mahal na kabiyak... sa mga natanggap na regalo noong pasko... at marami pa...

ayos din na may bago akong environment na napasukan ngayon... saya saya saya... dami kong na-experience na bago... mantakin mong napagtripan pa kong maging co-host sa christmas party ng kumpanya?? kahit yata sa panaginip di ko maiisip na gagawin ko 'yun e... magspeech nga lang sa harap nang klase e nangangatog na ko... ayun, nagmukahang ugok tuloy... haha... pero ok lang, masaya naman, at least bagong karanasan...

all in all, masaya ang taong 2007 para sa'kin... sana ganun din ang taong ito^^

2 comments:

Anonymous said...

owh... kwela ka naman co-host a... :)

Anonymous said...

d a... hehe, wala ngang tigil ung pawis ko nun e... super kabado... (o mainit lng tlga?)^^